Mayroong tinatago na hindi lang maamin.

How social norms shaped the way we feel — and what to do about it.

Share
Mayroong tinatago na hindi lang maamin.

Ang hirap labanan ng nararamdaman.

Kapag timaan ka, yari ka na.

Tama man o mali, wala e, pinili.

Even if you're the logical person in the world, the feeling is still there.

May rational person na nagsisikap maging emotional.

May emotional person naman na trying to be rational.

Kapag wala yong isa, hahanap-hanapin mo talaga yong kabila.

Parang yin and yang ang eksena:

  • Maalat na tuyo sa matamis mong champorado.
  • Kumakahol na aso sa magaslaw na pusa.
  • Maitim na dinuguan na hinahanap ang puting puto.

We're always in these kinds of micro battles.

May pinanggalingan rin naman.

Nagpalaki Sa'yo

May katotohanan rin naman doon sa linyang:

"It takes a village to raise a child."

Kung literal na:

  • nagpakain
  • nagbigay ng bahay na matutulugan, o
  • nagsustento sa'yo habang lumalaki

Yes. It's your immediate family yan (biologically or legally).

Pero sa part ng mga natutunan mo...

Simula sa choice of words hanggang sa paniniwala sa buhay, galing ’yan lahat sa mga nakakasalamuha mo.

It's the summation of it – of course, genetics is already part of the equation.

At isa sa mga mabigat na nakuha natin sa "village" na ito ay kung ano 'yong tama o mali.

We have to clarify things here.

Right or wrong is just a byproduct of what is good for the group.

Nakuha mo ba yong part?

Ulitin ko.

"Good for the group."

Hindi ibig sabihin na good na yon sa'yo as an individual.

Reasonable naman.

Kasi kung susundin lahat ng tingin na tama sa kada isa nating panananaw, magkakagulo.

At 'yan ang iniiwasan in a particular collective – the rise of chaos.

Sayang din kasi talaga sa resources kung aabot sa gano'ng gulo pa.

That's why nagawa 'yong mga batas ng isang nasyon, patakaran sa simbahan, at rules in each household.

It's like a popularity vote: kung ano ang mas angat sa karamihan, 'yon ang panalo.

At kung lagi tayong sumusunod sa sinasabi ng buong grupo, may unti-unting nawawala sa atin.

That's the autonomy to think for ourselves.

Kapag naibigay mo 'yon completely sa kanila, madali ka nang mamanipula.

Stop It

One notion the social norms make us believe is the idea of suppressing your emotion and expressing them.

'Yong isa, sinasabi na mali ang nararamdaman mo kasi mali ang dating sa kanila.

The best example is anger.

Lalo na sa mga kalalakihan.

Kahit hindi nila sinasabi, pinapamukha nila na masama daw ang magalit.

Kaya dapat kapag galit ka, pigilan mo daw.

Tapos lalo ka pang magagalit kapag ganyan ang sinabi sa'yo.

Hay nako!

Sa kabilang banda naman ay pagbebenta nila sa atin ng "express your emotion".

More in sa babae naman ito — historically, women have been given more social permission to express emotion.

And this, too, has its unintended consequences: it gradually produces a sensitive society.

Ang agenda kasi, i-express daw ang nararamdaman mo, 'wag daw labanan.

Kaso, through the process, it is being misinterpreted that you should feel in every facet of your life.

Hanggang sa umabot na sa kahit simpleng bagay ay bibigyan mo ng reaksyon.

Maliit na usapan biglang mapapalaki kasi may matatamaan, or it is "sensitive topic" kamo.

I'm not shaming anyone here.

Sinasabi ko lang 'yong talagang obserbasyon na walang halong pambobola.

Unfortunately, both ways are counterproductive actions in the long run.

Teka Lang

Ngayon, mapapatanong tayo.

So what are we going to do if the given choices seem to be poison?

Well, may another option tayo.

Kayang makuha ang silbi ng dalawa pero iwas doon sa grabeng side effects.

And this is more on the reinterpretation of how we process our emotions.

Sure, 'wag mong pigilan ang nararamdaman.

Pero, wag mo ring gawing dahilan 'yan para magresulta ng gulo at sablay sa buhay.

Emotion is also a trigger for us to transition from one state to another.

May dapat kang ginawa, kaso hindi mo ginawa – kaya ayun, anxiety attacks bigla kapag nandiyan na ang deadline.

Kahit sa sinasabing "positive" emotion, hindi naman laging ganoon.

Hindi ka naman laging nasa lebel ng saya, unless may ginamit ka sa katawan mo na later causes you to be dependent on it.

Our main style here is to understand our emotions.

Bakit mo nararamdaman ang kung anong nararamdaman mo ngayon?

Ask yourself every reason bakit hindi mo naman gusto ang mga taong nananira sa'yo pero nagagalit ka.

And that is one of the best examples.

Pwedeng galit ka kasi they're trying to damage your reputation, which can affect your livelihood or day-to-day living.

You analyze the reasoning.

The more powerful the emotion, the more careful you have to be observing it.

Baka 'yong sobrang saya mo ay nakakaperwisyo na sa ibang tao.

Yung grabe ka tumawa tapos ang ingay mo na sobra, o kaya may kasamang hampas pa ang halakhak mo na para bang nakikipagkarate ka na.

Simple, but it can cause damage if the motion slips.

Reminder ulit ako a - hindi mo lagi need i-analyze your emotion as there are times you just need to feel and let it flow.

But make sure it won't clutter or compromise your overall decision-making process.

Your Container

Channelling is another method to subdue the emotion we know is destructive.

This comes later after you analyze or observe kung ano 'yang nararamdaman mo.

Kahit tawag ng kalikasan at need mo nang pumunta sa banyo, walang lusot dito.

This is the trivial part pero madalas tayong mapatambay.

Alam mo na ang nangyayari, pero wala ka ring ginagawa for it.

Kaya naiipon at nakikimkim.

Hanggang sa sudden point for it to burst, tapos magtataka ka kung bakit naging overacting ang binigay mo sa napakasimpleng eksena.

Your defense for that thing heightens kaya kapag may gustong sumira doon, nagiging sensitive ka bigla.

Marami naman ang mapagpipilian para magawa mo 'yan nang productive.

Sobrang stress ka sa trabaho? Have a run or lift weights.

Banas ka na talaga sa kaaway mo? Punta ka sa gym, doon ka makipag-boxing.

O kaya naman nalilito ka lang at hindi mo alam ang gagawin? Have a walk, as our minds are better when in motion.

Ang delikado lang dito later on ay maging basihan mo na lagi ang nararamdaman mo sa mga ginagawa mo.

We still need to have our systems, habits, or routines na kahit hindi natin "feel" gawin ay gagawinin natin kasi the consequences are more irritating than not doing it.

Wag mong pigilan.

Let it flow to a healthy stream or medium.

Babalik sa mas importante sa'yo.

Babalik sa pinanggalingan ng kutob mo.

Hindi para may balikan, pero para may maayos na kakahatungan.

- Mark Galvez


Available on YouTube and Spotify