Hindi masamang magbago. Minamasama lang nila.
Is it beneficial to change if people around you dislike it?
Mahapdi ang tama kapag maalat na ang samahan.
Yung inaasahan mong reaksyon, wala na.
May batian pa rin, pero iba na.
Nagkakasiyahan, kaso panis na.
Lalo na kung first time mo maranasan 'yan, mapapa-isip ka ng "paano na?"
Same medium and same cues, but different response.
Kulang na lang, tumingin ka sa kaliwa't kanan sa pag-asang baka may shooting lang.
Baka hindi naman talaga ito ang nangyayari kasi todo-sagip sa bunbunan mo ang denial.
You're not to blame here - no one is.
We tend to tag along with what is predictable.
At kung anong bagay man ang mag-stop ng pattern na iyon ay nagti-trigger ng survival response — lalo na sa posibilidad ng panganib.
Change is chaotic by nature.
Napapansin nga lang kapag sobrang taas ang effects sa'yo:
- Lipat ng tirahan
- Bagong trabaho
- Pagkawala ng nakasanayan
- Hindi na gusto
This is a bad thing that's actually a good thing.
Your comfort zone is being challenged for the unidentifiable growth that is coming.
Considering na makaya mo yong transition phase.
E may kasamang sakit.
Kaya, most of the time, people avoid it.
And if you're that change, people will instinctively avoid you.
Unless the pain is worthwhile for the desired outcome.
Nakakasabay Naman
I adapt. You adapt. We all adapt.
We have unique responses based on the stimulus present in every moment.
Every reaction breeds expectation, a mechanism for recurrence that builds up, and eventually we call "personality".
At yung audience na naka-observe ng personality na 'yan ang makakabuo rin ng sarili niyang reaction.
And the cycle repeats itself in every interaction.
One observes the other, which is a by-product of observation.
Sa paglipas ng panahon, 'di na rin namamalayan na nagiging kanya-kanya na ang expectations ng bawat isa.
So ano naman di ba?
Ang gandang i-enunciate ng phenomenon na ito, pero for what?
Well, it's for your reference, kapag too much invested ka na sa nabuong pagkatao.
To the point na na-miss mong balikan ang rason kung bakit humantong sa punto na 'yan.
You started from immersing yourself in the game until you become the game.
The concern arises now, kung tama pa ba sayong laruin ang game?
Yeah, sure. I get it. Life is not a game per se; it's reality.
Ginagamit lang natin itong metaphor para matapik ang isipan na yung ginagawa mo ba ngayon ay dapat na ginagawa mo para sa'yo.
Ano ba, nakasanayan mo na lang talagang maging sunod-sunuran sa tinuturing mong mundo?
Kumakayod ba talaga tayo para makaahon o para lang makaraos sa araw-araw?
Nirerespeto mo ba o takot ka lang talaga?
Papunta ba talaga sa kalayaan o unti-unti lang tayong nakukulong sa sarili nating kamangmangan?
The scope of what they call "freedom" is measured by the vastness of one's own understanding.
Magkaiba ang
- malaya sa kung ano ang kukunin, sa
- malaya ka kung kukunin o hindi
It's the position to remove yourself from options handed to you and create your own.
Yong isa nakokontrol, yong isa may kontrol.
Reference Point
Hindi nila fully maiintindihan ang pinanghuhugutan mo kasi hindi naman sila ikaw.
Their perception is already tainted by their own pre-defined narrative on what is acceptable.
Makakalusot ka lang sa duda ng madla kapag mabigat ang nabuo mong tiwala.
But sometimes, it doesn't give such assurance.
Mas okay pa na tahimik yung pagbabago.
Para bawas sagabal sa nangyayaring proseso.
Then, when the time comes to push the button and unveil the present, the only options they have are to accept or not.
Tapos, regardless ng response nila, nalatag mo na ang pundasyon kung sakali may tumulak.
Ayon nga lang, may reversal effect ito.
Kasi malakas lagi ang impact ng biglang bago.
Grabe ang confusion.
Grabe ang hatred.
To the point na mapapaisip ka kung may point pa ba na intindihin ang pino-point nila.
At diyan na papasok ang framing natin dito.
Walang Kawala
Magbago ka man o hindi, laging may masasabi sa iyo.
"Ayan ka na naman" - para sa paulit-ulit.
"Hindi na ikaw 'yan" - para sa nalihis na pattern.
You have to be honest with yourself here.
Kailangan mo rin timbangin.
Pasok ba sa panlasa mo ang kabaliktaran ng hinahanap nila?
The alternative is always against you if it's the result of a blind compromise.
Ang madalas na banat dito ay labanan mo raw.
No need.
Wala naman tayo sa gyera para magdefault ka na may kalaban.
Let's have some swift moves.
The rule is simple:
- change for benefits
- remain for benefits
Every situation calls for one.
Yung sukatan natin ay hindi lang sa ngayon.
Quick enough sa pangangailangan ng sitwasyon para matansya mo yung pangmatagalang epekto.
Work on what you understand.
Kung delikado, give it more time.
Don't overinvest kung hindi naman malaki ang epekto sa'yo.
And that takes wisdom – comprehending the long-term consequences of your action.
Makukuha yan in experiencing life itself.
Don't confuse that with those social media posts of travel or any grandiose events.
More on putting yourself sa mga opportunity that can indulge your curiosity and are found in new experiences.
Iba yung nasa bahay ka lang at panay scroll or babad sa own devices mo.
Those are buffers to actual practical immersions.
At nasabi ko na rin ba na...
Gusto mo man magbago o hindi, wala ka pa rin namang kawala.
Even biologically, your body is measurably different from 7 days ago.
Wag ka na magpahila.
Wag ka nang magpahatak.
Kumakapit lang sila sa dating ikaw kasi ayaw or hirap silang makasabay.
At that point, it's your call.
Care, bring, or eject?
Doon ka sa kaya mong sikmurain.
- Mark Galvez