Nakametro para lang makasabay.
Do we have to subscribe to live?
Kung biro lang ang daigdig, tayo yung punchline.
The fun is running for centuries on how we are being delivered in this life cycle.
Ang taas ng tingin sa sarili natin e.
Top of the food chain daw.
Most already bypass the life-or-death level of survival.
Hindi ka na mismo ang gagalaw kasi may mag-aabot na lang sa iyo.
Just give the corresponding payment.
Relatively easy.
Wala man maabot, pagtrabahuan mo lang.
If you don't have the medium for value exchange, well, you have to go back to basics, earn it from the jungle.
Pero kahit anong gawin mo, nakapatong pa rin sa iisang laylayan.
Buhay mo ngayon kapalit ng buhay mo bukas.
Walang Bayad
We started from practically free resources.
Libre.
Nandiyan sa paligid, kailangan mo lang alamin kung paano o pwede i-consume.
Wala kang aabutan ng bayad sa pagkuha mo.
Then, we shifted how we do things.
Gumawa tayo ng sistema na ang halaga ng pwede mong makuha ay nasa iisang middleman.
We call it money.
It represents the value of our resources but on itself becomes less and less valuable.
Tapos sabay tapal at dikta ng bigat ng mga pwede mong makuha.
Pagkain mo? Priced.
Tirahan mo? Priced.
Para makasama siya? Priced.
Iinom ka ba? Priced.
Gusto mong huminga? Priced.
Kaya ang isa sa madalas na tanong kapag first time mo maka-usap ang isang tao ay:
"What do you do for a living?"
Nakakailang minsan 'yan, lalo na kung hindi gano'n kalakas ang dating o hindi mo ma-describe kung ano 'yon.
The bitter part to that question is the last section – for a living.
Na kapag hinamay-himay mo, iba talaga ang dating.
Ang pinakabanat ay ano ang ginagawa mo para mabuhay.
Curious sila, na ikaw, na buhay pa rin ngayon, kung paano mo nagawa.
Because even the person asking it is aware that we should have something to afford the living.
Hindi na nga tayo "human being" at this point, we are now more of a "human doing".
You have to do, not just have to be.
Magbayad ka kung gusto mong mabuhay.
Ang masaklap pa sa karamihan, hindi na sila nagtatrabaho para mamuhay.
Nagtatrabaho sila para lang mabuhay.
Enabled Species
We have the capacity to do things on our own.
We create things. We build them.
Pero kahit pabanguhin mo pa yung tawag, gastos lang ang tingin sa atin ng nasa tuktok.
Boss mo man 'yan, idolo, o pinuno.
The sequence continues even you move up the ladder.
May propesyonal na tawag diyan.
It's human resources.
Ito naman tayo, tamang sali rin.
Wala e, we have to participate if we want to keep up.
Kaso, kailangan ba talaga?
Kailangan ba na mapabilang ka para may mabilang ka?
Unless you're aware, madadala ka sa alon ng palitan.
Gusto mong makaangat-angat sa buhay, pero iba ang inihain sa iyo.
All are promoted, and the position is named "customer".
Binigay natin ang upuan sa shopping basket.
Sa mata ng karamihan, cubicles or office rooms are the form of upgrades.
Nandoon na tayo sa pagiging komportable.
But accompanied with hidden fees.
Hinahanap-hanap mo ang pagsunod sa bigay nilang hirap at utos para mabigyan ng pambili sa inaakalang sarap na deserve mo.
Hindi kamangmangan ang chemically triggered desire mo to capture a simple, aesthetically pleasing appearance for you to share on social media.
Isang maingat na pagkakagawa lang ’yan ng konsumerismo.
Enough dose of panic while you're running on a treadmill that has no stop button.
Madali na ang pagbili.
You have various modes of payment.
The more enticing is debt or the pay-later scheme.
Wala ka pang pera kaya utang muna tapos trabaho ka pambayad sa inutang mo.
Then the earnings are not enough to pay for the previous balance, so you have to loan from other sources.
Grind or hustling na ang sunod na eksena hanggang sa umulit ang cycle.
While you're entertained and encouraged to consume anything, they're taxing you on everything until you have nothing.
Kasi ang iniisip mong pagmamay-ari mo ay talagang pabigat lang sa iyo.
Biglang Liko
The mind should be shifted to renavigate our compass.
Hindi na panay sa kung ano ang matututunan.
Mas lalamangan na ang kung ano mang magagawa mo sa matutunan mo.
A simple question can providedo some assistance:
"Sino ka kung wala ang mga bagay na nagmamay-ari sa iyo?"
We understand that those are the extension of who we are.
Pero napaisip ka na ba sa pinakalaman ng pinagdidikitan na mga ’yon?
Through that conscious drilling, it can make someone truly uncomfortable.
Kahit maiwang mag-isa nga lang sa kwarto na walang ginagawa, hirap na e.
Boredom is dead because of smartphones and the internet.
Kasabayan niyan ang mga kalabit sa'yo para kunin mo 'yan at bilhin mo ito.
We will only stop if the argument we need to confront is shoved into our faces.
Kung gusto mong may maturo, sisihin mo yung mga nagturo sa'yo simula noong bata ka pa.
Kaso wag na, sayang oras lang yan.
Only a waste of your energy.
Give the blame to those who don't want to fix it.
Nasa usapan lang naman ito tungkol sa kung ano ang kaya natin.
You can buy the on-sale item, but you can't afford to walk out?
Yan ang talagang problema.
The only missing part is our fund to confidently cut our ties in such suffering.
Hindi lang ito pera.
Skills, understanding, and a capable body are also included.
Walang masama sa pag-consume.
Walang masama sa paggastos.
Ang sablay lang ay doon sa walang balik sa pangmatagalan nating buhay, literal na waldas ang tawag.
Sudden Glimpse
We appreciate all the things we have.
Asar ka sa trabaho mo – may taong dinasal yan.
Irita ka sa na-deliver sa'yo – may taong humiling na may pambili sana siya.
Umay ka na sa boring mong routine – may taong parang gyera ang araw-araw.
These side-by-side comparisons are also the trick they will use for you to take the hit.
Ayaw ka nilang makawala.
A blatant manipulation disguised as "privilege".
It's okay to acknowledge it, but it's NOT okay to confuse someone for the sake of profit.
Wala ngang makina ang katawan, pero parang robot naman sa panay sunod lang.
You let them persuade you by touching your sore spot, even though the usage is not needed.
Barya lang naman daw, pero mahal kung susumahin.
It's getting harder and harder to resist it.
Mas kilala ka nila kaysa sa kilala mo ang sarili mo.
Designing your own principle is the key.
Habit recreation, system reformation, and friction placement are the seeds.
Tutal, uso namin dito sa Pinas ang mga debuto – gamitin mo na dito.
Madahilan ka sa ibang style pa naman.
Pwede mong sabihin na napapanis ang motivation.
Tapos napapagod ka sa panay pilit para sa displina.
Edi yung devotion na lang ang gamitin mo.
Hindi nakabase 'yan sa gana o sa tulak ng sarili.
Gagawin mo kasi pinili mong gawin.
Pero wait.
There's still a chance you don't know what to choose.
Baka ayos lang din naman ang lahat ng nangyayari pala.
Maybe this is better than you thinking it all by yourself.
Maybe it's better na sila na ang mag-dictate ng paglalaanan mo kasi mangmang ka naman sa kung saan talaga dapat ilagay 'yan?
Win-win situation.
Kumita sila, may nakitaan ka.
Parang pwede na pala ang mga ito sa iyo.
Mukhang mapayapa naman ang society at the outset.
I think you agree to this, right?
For your answer, pag-isipan mong mabuti.
- Mark Galvez