Ayaw maghintay ng oras.
What if we don't want them to get old?
Payapa yung ginagawa mo tapos biglang may tumapik sa utak mo.
You suddenly remember:
"Yong mga nagpalaki sa'yo, hindi na ganun kalakas."
I even stopped for a moment.
It hit hard.
Hard enough to make me disregard my trying-to-be-rational mind for a moment.
Nagsibalikan bigla yung mga simpleng bagay na nagpapabilis ng tibok ng dibdib mo.
Waiting ka sa oras ng pag-uwi niya kasi baka may pasalubong.
Kahit ano basta meron.
Nagpapanggap kang natutulog ng mga alas dos ng hapon kasi need mo raw sa paglaki.
Nandiyan na rin yung napapak ka ng gatas o milo ng mabilisan para hindi ka mahuli.
Of course, 'di mawawala yung sinusubukang labanan ang antok kasi may gusto kang panoorin na palabas ng alas otso ng gabi.
But, nakakatulog ka pa rin most of the time.
These are some of the things that we only take for granted at that moment.
Gusto natin na lumaki na agad para magkaroon ng kalayaan na nakikita natin sa mga mas matanda sa atin.
Well, everything has its price.
And one of them is the level of appreciation of things we have - time, experience, jokes, plays, and so on.
Alam mo 'yon? Mga simpleng bagay.
Simple enough to forget because of our desire to grow immediately.
Without noticing that the time that passes is the same time that passes sa mga nag-aalaga sa'tin.
A self-fulfilling process na parang mahirap daanan.
We're trying to negotiate.
Baka pwedeng hindi isama sa deal yung pagtanda nila?
Halos Madali
In a sense, life is just simple.
Kaso sa tao, hindi mabenta ang simple.
Kailangan may holy something na meaning or 46 steps na susundan para convincing.
Binenta sa atin na laging may nakaabang na bunga doon sa mga pinaghihirapan.
Each of us wants to be special.
"Ako lang may alam nito"
"Hindi nila naiintindihan ang pinagdadaanan ko"
"Wag kang umalis kasi sinabi ko"
"Can we be like this forever?"
The answer is NO.
The figment of reality doesn't flow based on your bent illusion, interpreting it.
Kahit sulitin ang bawat tagpo na para bang pelikula ang atake, may mami-miss ka.
And that particular something ang madalas pang pinagpupuntirya ng atensyon natin.
Kapag napunta na tayo sa ganyang eksena, ang dami mo nang gustong kagatin.
Isa na diyan ang linyahan sa palabas na Kung Fu Panda:
“Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the present.”
Kaso ramdam nga lang yong hapdi kapag that "present" is already a history.
Gusto mong balikan e.
Gusto mo ulit maramdaman.
Gusto mo sanang doon na lang muna.
Sa totoo lang, magaan naman yung timbang ng puting buhok niya e.
Pero bakit parang medyo mabigat na sa dibdib kapag nakikita mo 'yon?
Ang lakas magpaalala ng dumadagdag na kulubot sa balat niya na "hoy, hindi ako laging nandito a".
Sa bawat pag-inom mo ng vitamins, may mga may balak namang mag-abot ng gamot sa kanya.
Kahit ngayon lang sana, parang gusto mong maging makasarili.
Kung pwede lang naman kasi 'di ba?
Nagagalit sa kanya? Oo.
May mga tampuhan? Oo.
Minsan ayaw mong makita? Oo.
Kaso taympers muna – time out.
Wala namang pinagsabihan na gusto mo siyang mawala sa totoong buhay.
Habang buhay ka, in real life.
Regardless of the reason.
Kahit mahal, walang tawad na mapagbibigyan.
It seems we have almost forgotten, because of various conveniences in our society today, the rudimentary law of nature – survival of the fittest.
Sudden Tremble
Before we dive into that dirty and rough observation, let's point out why we feel this way.
Part of that said "survival" is the formulation of comfort.
We are comfortable with anything that helps us to survive.
At kapag bata pa tayo, we depended on others to survive.
At hindi lang naman tayo ang ganyan, kahit ibang mammals ay born helpless rin.
We are not self-sufficient pagkalabas galing sa tiyan ng magulang natin.
Kailangan tayong alagaan o i-baby while we are developing.
We can understand this enough, yet we're denying it.
And it's reasonable.
Dahil nakadepende ang pagtanggap natin sa katotohanan sa lebel kung gaano kahanda ang utak nating tanggapin 'yon.
You think you're ready.
But in reality, you just want the world to adjust to your demand.
Pinili Mo
Hindi sa lahat ng oras magagawa mong isipin lagi ang importante sa iyo.
Pupusta ako na imposibleng kada segundo siya ang laman ng utak mo.
Yes. Maganda pakinggan sa kanta.
Ang swabe sa pakiramdam ng romanticization.
It's congruent with your emotions – not always happy, not always sad.
There's the level of fluctuations that need to happen for you to be considered alive.
Na babalik lang din doon sa gusto mong tigilan ang pagkawala nang unti-unti.
Mas matagal ang dama mong dusa kasi araw-araw ay nasasalubong ka ng katotohanan kasabay yung pagsikat ng araw na ayaw mong dumating.
In every relationship, too much is too much.
Don't throw me those phrases:
"Masama bang magmahal?"
"Wala ka sa lebel na maiintindihan mo ang nararamdaman ko"
"Itigil mo na ang pagpapanggap, nalulungkot ka rin"
I can say both yes and no to each of your telltales.
Even while creating this piece, medyo may pagbigat ng dibdib ko in thinking na bakit pa kasi may hangganan.
Nauna sila sa'yo pero gusto mo sanang sabay na lang kayo para isahang dusa at saya.
It's quite wonderful that we have the leisure to think of these things compared to other people or species, always struggling to just survive.
May nabuong comfort na ayaw mo nang pakawalan.
And that is extended to someone you are afraid of disappearing.
I will not stop you from feeling that - no one has the right.
Being left out by those you care about is not just a punch in the gut; it's a hard blow to the definition of living.
Even time can't heal the broken future with that someone.
At 'yang future, ang ayaw mo, na ngayong malaki ka na.
Make It Stop
To be honest with you, I'm not sure how to conclude this swaying conversation we have right now.
It's one of those moments na magandang hayaan nalang dumaloy sa katawan mo.
Letting yourself observe this kind of mental gymnastics.
Your monkey brain is creating a circus-like show in your mind.
Hindi gusto ang best sa'yo – ang gusto is to avoid the pain.
At ang best line of defense niya so far is flood your consciousness with various thoughts, vicious or not.
That's why our mechanism should be placed to regulate the counterintuitive tendencies.
Ginagawa na lang natin dito ay makuha yung rason.
Why this overthinking? Why such refusal?
Kailangan ko ring sabihin ito sa'yo.
Yung pagkontra natin ay resulta ng hindi natin pagpansin nang mas maaga.
You never fully understand the weight of the concept of life or death when you're young, living through external support.
And no one will be.
Pwede tayong magbigay ng simpatiya sa mga nakikitaan natin ng ganyan.
Pero hindi natin talaga maiintindihan kung ano ang pinagdadaanan nila unless ma-experience natin mismo.
Kada sitwasyon may mga mas priority tayo.
Mas priority natin noong bata tayo na maglaro kaysa intindihin ang nararamdaman ng mga magulang natin.
Okay, just to be clear.
We have priorities, but that doesn't mean wala na tayong pakiaalam sa iba.
Don't mix and match this. Hindi ito fast food chain.
With this circular chain of thoughts about rejecting the idea that those important to us are leading to an inevitable end, how can we deal with it?
Alam ko na alam mong parating na ang sagot na ito.
And that is ACCEPT IT.
Wow! Na para bang hindi mo alam ang obvious at kailangan ko pang sabihin, right?
Parang sinabi ko sa'yo na kung hindi ka makatulog, need mo lang pumikit, humiga, at matulog.
Kahit ako mismo ang nagsabi sa'yo niyan, naasar din ako sa sagot e.
Hindi nga natin ma-accept tapos sasabihin na i-accept.
Ang labo niyo!
Okay. Inhale. Exhale.
How about this?
Baka malabo sa atin kasi hawig sa linyahan sa Matrix na movie.
Neo: Why do my eyes hurt?
Morpheus: You've never used them before.
Simple conversation. Malaman na meaning.
The truth is there. Probably, we are also aware of it.
But we didn't actually try to face it before.
Synonymous with your procrastination, na alam mong may deadline pero sa last minute mo pa iintindihin.
It gives a level of thrill to us. Sure.
Pero a higher chance of regret when we miss something.
At yung "something" na 'yon ay "someone" na importante sa atin.
Everyone has their own way to cope with it.
- Do other things para hindi na pumasok sa utak.
- Kalimutan na lang.
- Habang buhay na magdamdam
Sa atin naman ngayon, kung nasa phase pa lang na nagbabadya at hindi pa nangyayari ang pagkawala, we still have time.
May oras pa tayong magamit kasama sila.
This will shift on rejecting the inevitable and wisely choosing where to spend our time.
Despite your work, you can use your time to create bonding moments.
Despite continuous arguments, time can be used to give leeway to communication.
Despite a gazillion conveniences, time can be used to cook whole foods for them.
Despite a lack of time, you can stop and think again about where you want to put that lack of time.
Parehas ang mga oras natin. Alam na natin 'yan.
Ang pinagkaiba na lang ay saan mo ilalagay ang atensyon mo habang may oras pa.
I'm not into self-indulging misery.
Ang trip natin dito ay kabuuang panalo sa buhay.
Imposible 'yon kung panay ang akasaya ng mayroon ngayon sa mga bagay na wala naman o wala pa.
May magagawa pa kung nandiyan pa.
Explore the possibilities of all the cards we are given.
Hindi ito sugal, pero tumaya tayo sa alam namang hindi natin pagsisihan.
Pera, kalusugan, kakilala – mas madali kapag may ganyan.
Kung isa-sacrifice natin ang importante sa atin para lang diyan, talo agad most of the time.
Nandoon na tayo sa we are making a living to live.
Mas sulit to have that "living" kung nagawa na kasama yong gusto mo to live it.
Madamot na kung madamot pagdating sa kanila.
Pero magbibigay tayo habang nandiyan pa sila.
Kung wala nang matira.
Kung wala na ang lahat ng madla.
At least sulit ang kwento na pwedeng maalala.
Kahit huli na para sa kaniya, itutuloy na lang sa susunod siya.
- Mark Galvez