Wag mandamay kung hindi makasabay.
What's the taste of creating a public enemy?
Lahat parang gusto lagi ng may kampihan na nagaganap.
Kung hindi ka nila magawang kakampi, ang dali sa kanila na isipin na kalaban ka.
"Hindi mo pa kasi na-experience masabihan na gan'on e"
"Try mo gawin ito para malaman mo ibig naming sabihin"
"Lalake ka kasi kaya hindi mo ma-gets kung bakit nagagawa niya yon sa amin"
Ang sarap huminto tapos mapaisip.
Yung tipong gusto mo lang itanong.
Hindi kaya wala akong aberya ninyo kasi magkaiba tayo sa pagha-handle ng sitwasyon?
Hindi kaya ayaw lang sundin ang gusto mo, kaya nag-aamok ka na agad sa halip na isipin din ang kalagayan ng kabila?
Hindi kaya wala ako sa sitwasyon mo kasi hindi ko hinahalo ang personal na bagay sa trabaho lang?
Hindi kaya hindi mo lang kaya?
Hindi kaya?
This is not about being "balimbing" or forcing someone to have the same enemy as you.
This is about having the autonomy to think for oneself and adapt to the situation that has mutual benefits on both ends.
Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos kung 'yan ang makakapagpaliwanag sa iyo.
Sa kada kwento, of course, ikaw ang madalas na tama at bida. Ikaw na ’yan e.
That's why maybe there is a common denominator of all your fabricated problems in life.
Bigyan kita ng hint – it's you.
Sabayang Bigkas
May nasamahan akong munting bonding sa mga kakilala ko.
Habang masarap ang higop ko sa malamig na inumin, sumabay din ang mainit na usapan.
It's more about the concern of a particular environment na may nagpapahirap sa mga kasamahan.
May halaga sa mga kasama ang pinakalaman ng gawain.
Kaso, 'yon nga lang, dahil hindi pasok sa panlasa ng karamihan sa grupo ang daloy, napapaaray ang ingay.
Mapapansin na parang nagiging kanya-kanyang eksperto ang nagsasadula – pwera sa pagpansin sa sariling sablay.
Convinced ang kabila na mapait na talaga ang eksena.
Kita pa rin naman daw ang liwanag, patong naman ng kabila.
The atmosphere is a combination of whispers, assumptions, playfulness, and anger.
Hinahanap-hanap ang dating nakagisnan.
Ayaw matanggap ang pagbabagong pumapasok.
The previous version was warm but stagnant.
The current one is cold but progressive.
Parehas may pagkukulang na ayaw namang punan ng pumupuna.
Well, humans don't want a sudden change.
Napu-pwersa kasi silang magbago na naman para makasabay.
Kapag gusto mong ayusin ang sarili mo, iwas o pinapahirapan ka ng mga nakasama mo sa mga dating gawi.
Crab mentality ang tawag nila pero in evolution, it's just a simple pessimistic tendency of humanity.
Karamihan ng mga pure optimist sa mga nauna sa atin ay wala na kasi sa halip na tumakbo, lumapit pa talaga doon sa kaluskos, na leon na pala ang nakaabang para kainin sila.
Milky Way
It just struck me — this sudden reminder na kahit alam ko na, nakakamangha pa ring mangyari sa harap mo.
At yan yong pagkakaroon ng dalawang tao sa mundo:
- Yung maamo sa'yo kapag may napapala sa'yo.
- Yung dini-deny na hindi siya yung number 1.
That's the essence of our genes - being selfish.
Nasa buong pagkatao natin ang pag-intindi sa sarili para makapagpasa sa susunod na henerasyon.
Kahit yung magulang na iniintindi ang anak, makasarili in a sense, kasi gusto niyang mabuhay nang matagal ang nanggaling sa kanya.
As a result, passing the genes to the next batch.
Nakataga na sa buto.
Hindi na pinag-iisipan, parang paghinga.
How we respond to it is nagkakatalo sa pagdadala natin sa mga ganitong pasikot-sikot.
Kaya mas marerespeto pa nga talaga minsan yung magnanakaw na aminadong siya ang dahilan ng mga ginagawa niya.
Kumpara doon sa nagdadahilan pa kung bakit hindi ganoon, kahit huling-huli mo na ang pagnanakaw niya.
My example is somewhat extreme at iwas sa detalye ng mga pangyayari pero nandoon yung punto.
Assuming or attempting to show that you are exempt from the reality of nature is a fool's errand.
Swerte na lang talaga tayo kasi nagawa nating tumahimik ngayon kahit saglit at pag-isipan ang mga nangyayari.
Labasan Na
At this point or even earlier, you may be thinking:
"Anong pinagpuputok ng butsi nito ni Mark?"
Well, wala namang gustong paputukin talaga.
More on the desire to emphasise this kind of phenomenon na recently ko ulit na-encounter.
So far in my career and most of the environments I've been at, the friction of dramatic conflict is less.
I give my credits sa resources na na-consume ko on how to handle yung mga delikadong sitwasyon.
Kasama na rin d'yan ang paglagay sa sarili ko sa lugar na kakailanganin ng tigas ng mukha talaga:
- Public Speaking
- Client Handling
- Sales / Negotiations
- Embarrassing Moments
This encompasses one source – facing crucial conversations.
These gave me confidence in how to respond to various encounters.
Picking a medium suited to that scene to make sure na hindi makukuha ang control na kailangan ko sa buhay.
I'm in the developing phase.
Hindi ko masabi na I'm a master of this, kasi marami pa talagang room for improvement lalo na sa 'di mabilang na sablay na nagawa ko.
But it's helpful enough to blend in any kind of environment kahit na sa tingin ng iba is delikado na or napapatameme na sila.
To the point that I live right now na malapit doon sa phrase na:
"You can hate someone, while at the same time being professional".
Professional in the notion of not mixing what is personal and what is actual work.
Kaya somewhat the joke is on the person na gusto ipagawa sa'yo ang bagay na ginawa niya para ma-experience ang nararanasan niya.
Na kung susumahin, nalimutan lang niyang i-consider kung gusto mo ba talagang ma-experience ang consequences ng pinili niyang actions.
"Don't make your problem my problem" ang masarap na sabat dito.
The Guilty
We have to intuitively put this in our mental notes.
"You are practically the person to blame for all the things that happen to your life - both good and bad."
Pwede kang manghikayat ng ibang tao para samahan ka sa pity party mo.
Just count me out.
Yes, I know. There are times you have to go through that.
But it's for your self-construction, not destruction.
At all times, you have to expect that the most trusted person you know can stab you in the back.
Establishing those things can help you mitigate or smooth the recovery process.
Enjoy the current and every experience.
Tapos kapag dumating na ang oras ng ayaw mo sanang mangyari, handa ka.
Masaktan o pwede kang mapunta sa pagkabagsak.
Pero at least, hindi ka mapapatambay doon nang matagal kasi may pangsalo at handa ka para maayos agad ang pagkasira.
Nadidismaya lang naman talaga tayo kapag sobra ang pag-asa sa isang bagay e.
Yung tipong nasanay ka nang gano'n, tapos bigla na lang mawawala.
Or kahit may warning shot, iba pa rin kapag napakawalan na talaga.
Go with the flow if kaya mo pa namang ma-enjoy.
Create your plane to ride or find land to rest on along the way.
Para kapag may hindi na talaga kaya ng sikmura mo, may masasakyan o mapupuntahan ka.
Marami kang gusto.
I get it.
Sana, magustuhan mo ring gumawa ng bagay na magbibigay sa iyo ng kalayaan.
Yung magagamit mo kapag 'di mo na kaya.
Safehouse-like kumbaga.
Palayo sa naging maingay mong mundo.
Ayaw mo nang sumama?
Bigay respeto na lang sa mga kayang makasabay.
You're not special.
You're just unique.
- Mark Galvez