Mukhang tama kaso lasang mali.

Should our accumulated knowledge be trusted?

Share
Mukhang tama kaso lasang mali.

Ang tibay ng simula, tapos biglang lalambot sa dulo.

Some call this "intro boy" o sa una lang magaling.

Hindi lang ito pertaining sa isang gender — boy/man.

Nagkataon lang na mas matunog ang ganyang salitaan sa mga lalaki.

But the point applies to anyone and anything:

  1. Pelikulang sobrang solid ang simula at gitna, kaso kapag patapos na, parang minadali.
  2. Pakitang-gilas sa unang tagpo, tapos kapag tumagal na, wala nang pakialam.
  3. Sobrang kinang, ganda, bango, o tibay ng nabili mo, tapos kalaunan ay naging kupas na.

Most of us accepted this timeline.

Paangat, tapos may peak part, then pabulusok pababa.

Tinapalan ng bago sa paglipas ng panahon para makasabay – 'yan ang madalas na estilo.

Bilang lang talaga ang mga nagagawang manatiling panalo, consistent, o higit pa sa mga previous versions niya.

Hanggang sa maging alamat na binigyan ng sari-sariling pamagat.

It takes greatness to achieve it.

That's why we give some leeway to those na masasabi nating "pwede na".

Pero hindi lahat.

May madadatnan ka talagang magpapakagat at magpapanginig sa panga mo.

Halos Sayang

For some reason, it bothers me kapag maganda na ang usapan, then matatapos lang sa mababaw na konklusyon.

One of them is yung katatapos ko lang panoorin sa oras na sinusulat ko ito.

The topic revolves around the idea of memetic desires.

It's just a fancy term to encompass where we derived our desires.

Which mostly came from memes.

Itong "meme" na ito ay yung mga ginagaya natin sa paligid.

Actually, I already had a piece discussing this.

Nandiyan na yung paniniwala mo, mga gusto mong bilhin, at overall preference sa buhay.

The person I watched continued to elaborate on its effects in our daily choices, which led to the life we have and will have.

Tuloy ang banat niya sa kung bakit ganito at bakit ganyan.

Hanggang sa mapunta sa part at pagbibigay ng hint niya kung anong pwedeng gawin para hindi sumabay sa alon, which is relatively not good for us.

Sinundutan din naman yung paliwanag na hindi pagsunod sa alon ay memetic desire on itself.

Sige, okay. Pwede. Naiintindihan ko.

Tapos nagsabi pa siya na "will give practical actions" na one can do about it.

At umabot na nga sa dulo.

Guess what he said?

Bigyan kita ng time para hulaan.

5.

4.

3.

2.

1.

Here we go.

Ang "practical" na sinabi niya na pwedeng gawin ay having a great sense of meaning in life like holiness, love, or ano man na hindi ko na inintindi sa pagkadismaya.

Let me explain.

Hindi ito para kamuhian siya o magalit tayo sa ibinigay na sagot.

We respect different views here as long as 'di ka nakakaperwisyo.

This is more about the collision of rational observation with emotional sentiment.

Leading, hopefully, to a fruitful formulation of how beliefs are packaged and sold.

Isa lang ito sa mga sintomas ng pasimpleng sablay ng mga kaisipan.

In Protection

Nandiyan na yung possibility na may inaalagaan lang siyang reputation, kaya ayaw magmukhang serial realist.

O pwedeng ignorantly confident lang sa mga alam niya.

Alam na natin ’yan. Itabi na natin, kasi iba ang punterya ko dito.

What I want to emphasise here is how subjectivity bends what we call objective truth.

This includes using raw data to synthesize a fact that validates a pre-existing belief.

Pwede rin itong mag-manifest as collecting or focusing only on the parts of data that support one's belief.

Mas malala pa ito kaysa sa kung ano ang gagawin mo sa buhay, kasi talagang masasalin ito sa mga susunod sa iyo.

We learned what we absorbed from our environment.

It was an attempt for such identity, kung ano ba tayo sa mundo na ito.

Leading the derivation of such "meaning".

Mabigat na salita na mapapakwestiyon ka sa halaga ng buhay kung iisipin nang mabuti.

Dumagdag pa ang abundance of data through the internet, creating the challenge of filtering the essence from the trash.

Nagkaroon ng kaniya-kaniyang boses.

Popularity vote ang madalas na labanan kung ano o sino ang paniniwalaan.

Research that seems convincing borrows its authority from massaged numbers and statistics.

Mga minamaliit na pag-aaral kasi daw hindi ma-replicate dahil lang naman walang gustong gumawa sa dami ng tumitigil.

Nga naman, nakasalalay ang pangkabuhayan eh — mahirap talaga 'yan.

We're now participating in a cycle of regurgitating those phrases that are music to the ears of the masses.

Hindi tuloy natin nakukuha ang talagang kinukuwento ng mga detalye kasi may nagkukwento na.

We suddenly outsource the decision-making process.

Ang ironic lang, kasi we are now in the generation na may pinakamaraming alam pero mangmang sa kung ano ang gustong gawin sa buhay.

Following the social group's choice because mentally tired of validating it by yourself.

Maraming derivations.

Maraming nadagdag na complexities.

That's why the crucial question for us here is, what is knowledge?

Malalagay agad tayo sa magandang posisyon sa pagsagot niyan.

Nakuhang Bunga

There's evidence that knowledge succeeds — even thrives — in our environment.

Isa na dyan ang successful genes containing basically information of life itself.

Nagagamit mismo para magreplicate and survive.

That's on the physical level.

Para naman sa conceptual level, nandiyan mismo ang mga alam ng mga tao.

Marunong ka bang mag-ayos ng sirang gripo? You can pass that through various media for others to learn.

Kailangan nating malaman ang pinanggalingan ng knowledge itself kung gusto nating maintindihan ang physical universe.

Framing is now our complete focus.

Hindi na ito talaga tungkol sa kung totoo o hindi ang data na kumakalat.

This is more about whether that know-how is true enough for your own good.

At the same time, without disqualifying the solidified information tested by reason, not emotion.

Ito yung paliwanag sa likod ng bawat bagay.

May mga naunang convincing, but through time, better explanations have overruled it.

This goes back to the inspiration of this piece.

Nakadepende sa bawat indibidwal, with the latest plausible understanding, para masabi niya kung reasonable enough ang mga matatanggap niyang detalye.

Kahit na sabihin nating PhD pa ang natapos mo o napakarami mong certifications, medals, o recognition, it doesn't exempt you from being a victim of foolishness in a particular topic, field, or strand of reality.

Same goes sa mga cases na:

  • matalino kuno pero ligaw sa pag-ibig
  • nagsasabing mahirap daw intindihin ang mga babae/lalake
  • madaling maniwala sa mga nakikita online
  • sunod-sunuran sa mga tinitingalang awtoridad

These are not the result of stupidity or lack of knowledge.

More on kakulangan ito ng critical thinking.

Kasi ganito. Paalala natin.

Limited lang ang pwedeng ilagay sa mga kokote natin.

That's why analysis is more crucial than memorization as we age.

Kada segundo, may nadadagdag na data sa mundo na kayang siksikin ang 1 TB hard drive.

Most of it is useless to us.

Totoo yon on a recordable basis.

Pero nonsense in an applicability metric.

Such a concept humbled even the early thinkers.

Si Aristotle, na sinabing may pwedeng mabuong buhay galing sa walang buhay.

Kaso wala pa siyang idea sa mga microorganisms.

Si Newton, na pare-parehas daw ang oras sa bawat sulok ng mundo.

Buti na lang napansin ni Einstein na gravity can change the speed of time.

Hindi dahil mas matalino ka sa kanila.

Oo, mas marami kang alam sa kanila, pwede.

Pero hindi ibig sabihin matino kang nag-iisip tulad nila.

Our perception is only as good as the present data we have — and the boldness with which we connect the dots, even when it makes others uncomfortable.

We tend to fill the gap of details with our own assumptions.

Kaya dagsa ang paniniwala sa mga misteryosong usapan, kasi unless it's a woo-woo magical thing, the people can't fathom it.

Habang 'di pa nila alam ang paliwanag ng isang bagay, gagawan nila ng connection sa out-of-this-world meaning or supernatural.

Favorite Default

Going back sa trigger ng piece na ito:

The idea na hindi pagsabay sa memes sa paligid by anchoring yourself in holiness.

May lugar sa tao ang solution na yan, we're not disregarding that.

Lalo na kung ligaw ka sa buhay tapos hindi mo alam ang gagawin, sige, kapit ka sa sinasamba mo.

Pero kung mas mahalaga sa iyo ang totoo at ikaw ang may kontrol, that way of thinking is counterproductive.

Sa una pa lang kasi, hindi mo maiiwasang mahawaan ng kung anong "meme" na 'yan.

Kasi simula pagkabata hanggang ngayon, yan ang parte ng buhay mo — language, news, education, chores, etc.

Don't forget your genetic sequence, also.

Kung kasama ka sa convinced that unresolvable pressing issues can simply be solved by mysticism, I commend the passion.

Besides, it's the popular phenomenon called God of the Gaps.

Don't worry kasi habang lumalawak ang data to debunk your premise, lumiliit naman ang "gap" of our ignorance.

Memetic desire is part of our existence.

Malaking tulong yan sa survival natin.

Hindi rin naman 'yan aabot sa awareness natin kung hindi nag-survive ang meme mismo.

It's like not seeing your nose in front of you despite knowing its presence.

"Pagalingan sa pagpili" ang laro dito.

Kasama na rin ang lesser friction and pain sa'yo.

Laking tulong sa segregation ng good from bad data ang basic experimentation or testing out theories.

Pero look out pa rin sa mga "scientific" na derived naman from biased inputs and methodologies.

Authority in paper is not always trustworthy in practice.

Do our own diligence:

  • Look for possible logical fallacies
  • Ask internally why for such things
  • Be aware of our own biases

Hindi natin kayang masabi na 100% totoo ang isang bagay.

But we can identify if connected facts are actually worth considering and productive for us.

Pwede kang tama ngayon, pero mali na pala bukas.

May sinamulan tulad ng 'intro boy' natin kanina, but a strong start doesn't guarantee its continued solidification.

That is what I think the best defence against stupidity is.

Magbabago ba ang isip ko?

Saka na, kung magbago ang katotohanan.

- Mark Galvez


Available on YouTube and Spotify