Ayaw magbasa. Ayaw rin magsulat.

Writing despite our technological advancement?

Ayaw magbasa. Ayaw rin magsulat.

Ang dami nang automatic ngayon.

Many are now convenient, yet bumabalik pa rin sa luma.

Isa diyan ang pagsusulat.

To be honest, tamad akong magsulat at magbasa kahit noong nasa eskwelahan pa ako.

And then I realized that it's not the actions I hate, it's the purpose.

Dating Galawan

Kahit ikaw mismo, pwede kang bumalik sa pinakaunang turo sa'yo ng ABAKADA.

Mas gusto natin maglaro that time kaysa mag-aral (most of us).

Gagawin mo lang kapag napalo ka na.

Tapos, makakatulog na lang ng tanghali sa kakaiyak.

That's for another story - balik tayo sa pagsulat.

I open this discussion to dissect those parts, kung bakit ba nagsusulat ang ibang tao.

Sayang sa oras, technically kung susumahin.

It's better to spend that on the tasks you need to do.

O kaya magliwaliw para takasan ang mga 'di mo gusto.

Until I tried it unconsciously — out of pressure.

Memory Base

The earliest thing I can remember — when writing first changed something in me.

Ito 'yong estudyante pa ako.

High school days.

We have a project.

Gumawa raw kami ng isang short film.

Kumpara ngayon na sobrang dali na:

  • Basta may maayos na kamera ang phone mo pwede na mag-shoot + kahit anong video editing app sa phone
  • That time, may pera ka talaga dapat pambili ng kamera at trip mo talagang mag-edit ng video para maging maayos ang resulta ng gawa.

Mukha akong matandang napaglipasan ng panahon dito.

Don't get me wrong.

This was just around 10 years ago.

Mabilis lang talaga ang advancement ng technology.

Kasagsagan din noon na ini-aim kong maging maayos sa pag-aaral.

Kaya dami kong extracurricular activities.

Lahat kasi pwede mong salihan.

Today?

Balita ko, need na daw talaga focus lang sa isang category sa studies.

In short, I wrote the story of our project.

Ang topic kasi was about social issues.

E sakto, paboritong sound trip ng kapitbahay namin noon ay:

"Lumilipad na naman ang isip ko…"

"...sa twing si Momay ay aking natitikman..."

The song title is Momay by Juan Thugs.

Ang catchy ng tunog, kaya noong mga unang pakinig ko, hindi ko alam na tungkol pala sa pinagbabawal na damo ’yon.

E bata, kaya tamang sing-along ang Mark niyo.

Of course, I'm not endorsing illegal things here.

I think you're smart enough to know that.

Then, with that concept, my first short film was created.

Well, nagawa na ako before ng movie trailers – but those were for school competitions.

Itong project na ito, nagawa niyang mailapat ko yong mga natutunan ko in creating films.

Kaya bago mag-graduation, di mo rin masisisi na gusto kong kumuha ng film course.

Pero for practicality, napunta tayo sa Marine Engineering na naging Computer Science.

Hindi ko na i-share sa'yo yong video para na rin sa privacy ng mga kaklase ko that time.

Still, the flow was there.

I wrote a story with various dialogues and guides na hindi pinilit isipin.

Yong sinasabi nilang "flow", na-experience ko yon.

Kahit ikaw rin noong bata ka pa, mataas ang tsansang may ginawa ka na kahit mukhang trabaho sa iba, sa'yo, parang laro lang.

That was the first point I considered writing is not actually a boring task.

Sa Ngayon

Fast forward na tayo dito sa That Mark Galvez na kilala mo.

I started my blog around 2024 for marketing purposes.

Yes. Pera ang rason.

I already discussed the parts of this from my last YouTube live.

Nag-isip kasi ako ng way talaga para ma-attract yong mga potential buyers sa paraan na hindi ko kakaiinisan.

I have a level of respect doon sa mga taong sinasabi nilang hustler o hardcore salesperson.

Face-to-face, cold calling, direct interaction - you can name a few.

Just to be honest here, it's actually not my style.

Oo. Ginawa ko yang mga yan.

May resulta naman.

But it was not what I was looking for.

I have nothing against those things as importante 'yan sa lipunan natin at wala namang masama.

Kaso dumating sa point na hindi na ako nagsusulat talaga para umakit ng potential buyer.

It became a writing just for the sake of writing.

Ang naging main motivation ko na sa pagsulat ay para iwagwag 'yong mga tumatakbo sa isip ko palabas ng utak.

You can say it was like a mental therapy, as it really is for me.

Hindi naman talaga ako nagsusulat ng tinatawag nilang "journal", pero napasulat ako.

Kapag may problemang bumabagabag sa ulo ko, pagsulat yong nagiging gamot.

It really clears my mind.

Not only in stress, but also in realizing things na binabaliwala ko lang before.

Reading books I'm interested in fuels this habit.

Mahirap magkaroon ng maraming alam kung hindi mo ia-apply o ilalagay sa kung saanman, tulad ng pagsulat.

It forces you to think things more thoroughly.

The best by-product?

Pagiging kalmado.

Both mentally and physically.

Hold Up

Okay. Saglit lang.

Wag kang ma-pressure.

Hindi kita pipilitin na magsulat tulad ko.

I'm just giving you a possible way for you to clear your mind.

Why?

Sa panahon natin ngayon na maraming gustong umagaw ng atensyon mo, madali nang ma-distract.

Pansin mo na rin siguro yong sinasabi nilang short retention span ng tao:

  • Gusto mabilis.
  • Ngayon na dapat.
  • Get to the point.
  • Let's finish this.

Kaya nakakabilib ka rin kung nagawa mong umabot sa point na ito ng pagbabasa o pakikinig sa sinasabi ko.

Either my writing is good, or you're actually interested in the topic.

This piece is just me explaining why I prefer to focus more on writing right now than on the previous YouTube lives.

Mas gusto ko ngayong palalimin ang mga ideyang nabibigay ko dito.

I'm trying to build here a catalog of ideas na may bigat talaga.

It takes time.

And my time is limited right now because of the nature of my work and other life activities I'm trying to maintain.

Lahat naman ito ay para sa malapit na balanse ng buhay — kahit na hindi naman talaga laging gano'n.

Ang labanan ay hindi patalinuhan sa mabilis na pagbago ng mga nasa paligid natin.

Labanan talaga ito ng linaw ng isip sa mga pipiliin mong desisyon moving forward.

Yan kasi ang magdidikta kung magiging maayos ang buhay o hindi.

Don't be too serious about this – maybe sometimes.

Kung nagiging masyadong kumplikado ang daloy, may option ka.

Feel free to write it out.

Ako?

Yan ang maasahan mo dito sa Notes series natin.

Our minds are best for creative thought, so don't clutter them with trivial things.

Pwede mong isulat.

- Mark Galvez


Available on YouTube and Spotify