BAGO KA MALIGAW

Accumulate. Protect. Grow.

Join to receive the weekly thought - magpapabawas sa tyansa mong malagay sa alanganin.

Mark Galvez

Alam Dapat Kahit Ikaw Bahala

Available on YouTube and Spotify


Sikat na tanong kapag bata pa tayo ay “Anong gusto mo maging?”


Even if you're an adult, few will hardly stop and think of it.


Para lang masagot ang tanong, pwede mo agad sabihin na “maging matagumpay”.


But, do people understand the real meaning of being successful in life?


Hindi na ako magpapanggap, nahirapan rin akong malaman ang sagot dito.


Even now, I can only scratch the surface and share straightforward answers with others.


Maglalaro ang tipikal na usapan sa:

  • Kailangan mong maging mayaman dahil lahat may halaga
  • Aim to be healthy as it’s the only important thing
  • Dapat maasahan ka ng iba at hindi lang puro sarili mo ang iniisip

This kind of conversation only blurs what we want and need to do to say that we have accomplished something that justifies life's success.


May mga tao talagang swerte sa buhay at nagawa nilang matsambahan.


Karamihan, ligaw - alam man nila o hindi.


The worst case could be those people who are able to achieve the great things they targeted but end up disappointed as they feel emptiness inside at the finish line they set.


Sa punto na ‘yan, pwede pang mapalala:

  • Continue being blind as you thought you know that what you’re doing is correct
  • O kaya, paulit-ulit lang sa simula para humabol sa mga bagong matitingkad na bagay

Dying Even If Still Alive

You can continue your life through one of the recently popular words of our generation - “nonchalant”.


Pero hindi nito mababago ang problema mong sumakay lang sa daloy ng panahon.


Not understanding what the actual point is can lead to various decisions that can ruin the rest of a person’s life.


Hindi mo alam kung anong gagawin.


Don’t know where the right path is.


Kaya anong gagawin? Maghahanap ng gabay o lugar kung saan pwedeng magsimula.


From there, you will continue life, and the majority of the time, don’t rethink the chosen route and just work around it.


Magtatanong ka sa unang taong makikita mo sa daan kung saan ang daan papunta sa gusto mong puntahan.


The person will answer your question based on the path he knows without first considering your main goal - besides, he is also busy with his own life.


Dahil ilang beses mo na ‘yon dinaanan, magkakaroon na ng marka ‘yong daan at madali nang malaman kung saan at ano ang gagawin.


Then, it leads to a fixed mindset as you adapt to solving the issue in the first place.


Kapag may nakita kang pako, ang alam mo lang gawin ay pukpukin ng martilyo.


The flexibility in different circumstances diminishes as time passes by.


Kung mapansin mo man na may kulang sa sagot na nahanap mo, ang gagawin mo, titingin sa kaliwa o kanan, kasi inaasahan mo na may mag-abot sa’yo.


As most people always imply, “This one solution can solve your problem”.


Kaya ayon, ang dali mo mabentahan kasi mismong ikaw, hindi sigurado kung tama ba ang mayroon ka (o sa tingin mo na may tama ka).


Until you reach the point where you don’t know what to do in your life.


Hinihintay mo na lang na matapos ang kwento para malaman kung tama ba ang mga napili mo.

Hinanap Ko Kung Ano

I admire successful people for their various accomplishments that have impacted many lives.


Pero, may lagi akong napapansin sa kanila na hindi ko balak gayahin dahil ayokong maging ganoon.


Even in my high school days, at some career orientation, Pilot was the profession I wanted to be (effect of my first time riding in an airplane).


Ang datingan kasi, yayamanin, gwapo ang pormahan, tapos laki ng bayad sa’yo sa kada byahe, tamang travel kung saan-saan - saan ka pa ‘di ba?


After dwelling on filmmaking (technically short films, in which we were able to compete at a national level), a thought came to my mind that maybe it was something I could pursue.


Na nagbago ng bahagya pagkatungtong ko ng kolehiyo.


I took a Bachelor of Science in Computer Science because I was able to have a scholarship in a particular university with that degree.


Sunod lang sa kung anong mabenta sa magulang ko sa oras na ‘yon (na hindi ko naman pinagsisihan), pero ‘yong panahon na ‘yon, malabo sakin kung ano bang career talaga ang pupuntiryahin ko.


If someone gave thoughts about it, it was more of a pep talk and politically correct answers.


Matapos kong subukang magbasa ng mga libro at gawin ang iba’t-ibang aktibidad, may nakilala akong isang manunulat.


I will not name him here (I think he will understand) as his topics revolve around very sensitive ones that public consumers will deem insensitive - as it should because it leans toward rationality (where facts reign, and facts don’t care about emotions).


Binago ng mga gawa niya ‘yong daloy ng pag-iisip ko talaga sa mga bagay-bagay.


Not only as a person but also as a man (linked to more responsibilities in this world, regardless of whether people bundle it with corresponding authority or not).

The Fruits Of Getting It

Kumplikado na ang mundo, lalo na kung idadagdag mo pa ang mga makasariling kagustuhan ng mga tao.


Knowing the simple parts of life, where we need the most attention, can mitigate such complexities.


Isang malapit na tweet tungkol dito (pero hindi pa rin binibigay kung ano ‘yon) ay galing sa kilalang negosyante sa Estados Unidos na si Alex Hermozi:

"

The simplest way to live the life you want is to decide what that is, and say no to everything that isn’t that.


Simple not easy.

"

Yes, it’s simple, not easy.


Pero nakakaligtaan ang importanteng bagay.


What are the pieces you can work on to form your decisions in life?


Malaman lang natin ‘yon, magkakaroon ng tibay ang kontrol natin sa buhay (kahit may epekto sa buhay natin ang desisyon ng iba).


Things will become clear as light (but will not blind us in the long run) on what is possible in our living timeline.


Masasabi mo sa sarili kung tama ba o mali ang mga ginagawa mo para makapunta sa gusto mong puntahan.


It’s the healthiest way (I think) to navigate this gift of life.

Ang Sagot

Ang sagot sa mabigat nating tanong ay tinatawag kong “Foundational Ease”.


Foundational Ease provides the key fragments of our life that produce the most important thing - CONTROL.


They are HEALTH, WEALTH, and SOCIALIZATION.


Ganito ito gumagana…

1. Health First

We can’t deny that this is the starting point of every living being - to live.


Para mabuhay, malaking bagay na mapanatili ito para magawa ang mga gusto at kailangan natin.


Unfortunately, people are willing to sacrifice this to have the things they want, forgetting that enjoying them will only be possible through maintaining good health.


Paano ba masasabi na malusog ka.


By definition, it’s the absence of disease.


May dagdag pa tayo dito.


FEELING and LOOKING healthy are also part of the equation.


Wala ka ngang sakit pero mukha ka nang multo dahil sa kakarampot mong tulog na may kasamang kape para makaraos lang sa araw-araw.


You don’t have a disease, but you can’t walk properly or are breathless after just a few steps of walking due to your weight.


Oo sige, wala ka ngang sakit. Pero ang tamang salitaan dito ay, wala ka pang sakit.


Getting the desired health is not a result, it’s more of a lifestyle choice.


Simula sa mga kinakain natin, pagkilos sa araw-araw, at pagkakaroon ng sapat na pahinga.


Again, simple, but not easy (at first).

2. Be Supported By Wealth

Tulad ng nasabi ko sa nasulat kong libro, DOFF (Dots Of Financial Freedom), ang hangad dapat natin ay magkaroon ng sapat na yaman na hindi na natin problema ‘yon.


Yes, most of our problems can be solved with money.


Pero hindi ibig sabihin n’yan ay pwede na tayong malulong sa puro pera.


Some people have too much money but still have a money problem.


Samantalang ‘yong iba ay kakarampot o halos walang pera pero walang problem sa pera.


It’s more like using money as leverage to pay for the important things we want in our lives.


Magkakaiba ang timbang ng yaman sa bawat isa sa atin.


Pero iikot lang ‘yan sa:

  • Pagkakaroon mo nito ng may natitira pagkatapos magastos sa bayarin
  • and having reserve to spend for planned and unplanned situations
  • ng hindi nangangamba sa pagiging alila ng iba
  • while having enough protection to life’s uncertainties
  • with the ability of it to grow
  • at pwedeng mapasa sa mga maiiwan mo

The big thing it offers us is the freedom to buy the life we want.


Maabot mo lang ‘yan, panalo ka na.


If you want to go further, it will be from a place of solid confidence and not desperation.

3. Live Smoothly With Socialization

Relationships, human interaction, communication, networking, etc., all lead to the formation of bonds with people we encounter every day.


Let’s call it Socialization.


Dito rin nasasama ‘yong usapin tungkol sa estado mo sa lipunan base sa kung paano mo dalhin ang sarili at ano ang tingin ng iba sa’yo.


Kilala mo o kilala ka, masama o mabuti man.


Like the previous fragments, Socialization is a skill - it can be learned.


Pinapansin nito ay ‘yong kung paano tayo makisalamuha.


It's the choices of words, how we talk, gestures, reactions, way of thinking, and even doing nothing - all deliver the effect to others that bounce to us.


Madalas itong nababaliwa lalo na kung ang malaking parte ng oras natin ay napupunta sa pagta-trabaho o pagiging mag-isa.


I think here is where you can observe topics such as Neuroscience, Psychology, Human Nature, Religion, and the like, as they point towards rationality and emotionality in between species.


Ang punto lang dito ay ang galawan natin sa iba.


You may call it persuasion or manipulation, but the goal is the same - to influence to get what we desire (consciously or subconsciously).

4. Gain Control

Hindi mo kailangan magkaroon ng mahika para maging makapangyarihan sa tunay na buhay.


You only need the synergy of the 3 fragments - Health, Wealth, and Socialization - to create Control, the real power.


Asahan mo na hindi laging magiging balanse ang lahat sa’yo.


There will always be instances when one is greater than the others.


‘Wag lang paabutin na maging sobrang bagsak o mawala ang isa.


The balancing act is being performed by you, not your parents, co-workers, special someone - no one.


Kapag nagawa mo nang mapunta sa lebel na masasabing “pwede na” sa tatlong ‘yon, punto rin ‘yon na malapit ka na sa gusto mo maging.


The time you manage all of it, the control you gain can be used to venture into things you want to pursue without thinking of others but yourself as they are all settled.


O kaya ituloy mo lang kung anong ginagawa mo kasi ayos na ‘yon para sa’yo - ikaw na ang literal na bahala.

Pagbitbit Mo Papunta

Is that it? That’s all? Why does it seem anti-climatic?


Oo, ganoon lang kasimple.


Due to being straightforward, you may say:

  • Hindi ‘yan ang sagot, ang may likha lang ang nakaka-alam
  • How can you tell that, you’re still young?
  • Pass ako, ayos naman ang buhay ko
  • It’s other people’s fault why my life is like this
  • Imposibleng malaman kung anong pwedeng mangyari

Even with those arguments, I can’t deny the consequences of not getting and managing the 3 fragments to get control of one’s life.


Sa tuwing hindi kasi natin pinanapansin ang kahit isa dito, nawawala ‘yong balanse at nagiging kumplikado lang ang buhay.


Now that we are aware of the forest, we can actively work on each tree.


Kaunti na lang rin ang tyansa mo na, “teka, parang may nakaligtaan akong isama”.


Perfection is not the goal of Foundational Ease, but enough understanding for you to maneuver.


Saan, ano, at paano man gagamitin ang mga ito, nasa sa’yo na ‘yon.


The important thing is the awareness you set about life’s fundamentals, rather than blindly following other people’s beliefs (whose knowledge may be rooted in an incomplete source).


Okay. Paalala ko lang. Ito ang sagot natin:


Health, Wealth, and Socialization are the fragments that will give us Control in our lives.


We call this Foundational Ease.


Paki tandaan na lang.

It Seems Incomplete

Inintindi natin dito ang pinakamalaking litrato ng buhay.


This reading will be very long if I include every intricacy and different example.


Kaya nagsusulat ako kada linggo tungkol sa kabuuhan at parte ng tatlong napag-usapan - Health, Wealth, Socialization.


And from time to time, also their connections, so we can form the Control.


Lahat ‘yan para magawa ang inaasinta kong paksa - Risk Management in life.


For now, you can have my work through thatmarkgalvez.com - for posts of my thoughts and newsletter (so I can send it directly to your email).


Sa katunayan, naglalaro sa isip ko na magsulat ng libro tungkol dito.


I tried to publish (to have practical experience) about one of the fragments, Wealth, in my first-ever book, DOFF (Dots Of Financial Freedom).


Babalitaan naman kita kung ano ang posibleng susunod na eksena sa ideya na ito.


Considering you are subscribed, again, to my newsletter, or on any of my social media accounts:

Sa ngayon, pagmuni-munihan mo na rin ang nalaman mo.


As Steve Jobs said in a commencement speech:

"

You Can't Connect the Dots Looking Forward; You Can Only Connect Them Looking Backward

"

Hindi kailangan na ang tuldok na ‘yan ay sa buhay natin, pwede rin naman ‘yong sa iba.


Connecting the dots of other people who went first while doing ours is the best combination to create the life we deserve.


Sino Si Mark Galvez?

I'm an author, a software engineer, and a licensed life insurance agent in the Philippines. My work (writings) and services (life insurance & investment) can help others before it's too late for them.

Kapag Handa Ka Na, Ito Ang Mga Pwede Kong Matulong Sa'yo:

Dots Of Financial Freedom Book

Tibayan 'yong pundasyon, ayosin 'yong proseso, at maintindihan ang halaga mo. Pwedeng basahin, pwedeng pakinggan - kayang tapusin ng isang upuan.

Prosperity Defense

Siguraduhing hindi lahat sa'yo kukunin ang pondo. Let life insurance & investment plans handle it.

Professional Doorway

Magkaroon ng trabahong ikaw ang magdidikta ng oras at sahod na may ambag sa buhay ng iba.

MARK GALVEZ

I help fellow Filipinos manage life’s risks by understanding its fundamentals - Wealth, Health, and Socialization.

YouTube
Spotify Podcast
Facebook
X

© All Rights Reserved.